Dahilan kaya laging broken hearted ang taong tres
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 3, 2022
Dear Maestro,
Matagal n’yo na akong tagasubaybay at totoo ang sinasabi n’yo na ang mga Taong Tres (3) ay palaging bigo sa unang pag-ibig dahil ganundin ang nangyari sa akin. Ang masakit, hindi lang sa unang pag-ibig ako nabigo kundi pati sa ikalawa.
Dahil dito, nadala at nagka-phobia na akong makipagrelasyon kahit may mga nanliligaw naman sa akin ngayon. Natatakot na kasi akong magkamali at mabigong muli. Ano ang dapat kong gawin upang hindi na ako mabigo at makatagpo na ng maligaya at panghabambuhay na partner? February 3, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Raquel ng Talon, Amadeo, Cavite
Dear Raquel,
Ayon sa birth date mong 3, sa zodiac sign na Aquarius at destiny number mong 9, (2+3+1993=1998/ 19+98=117/ 11+7=18/ 1+8=9), sadyang mahihirapan kang makasumpong ng masaya at panghabambuhay na relasyon. Dahil bukod sa katotohanang ikaw ay Taong Tres, ikaw din ay taong Aquarius, at sinasabing karaniwan sa mga Aquarius ang malungkot, lumuha at mabigo sa pag-ibig.
Gayunman, dahil dalawang beses mo pa lang nararanasang mabigo at dahil ang significant number mo ay nasa series of 3-6-9 — dahil ikaw ay may birth date na 3 at destiny number na 9 — siguradong sa ikatlong pag-ibig o pakikipagrelasyon, kung lalakasan mo ang iyong loob at muling bubuksan ang puso, makakasumpong ka ng masaya at panghabambuhay na relasyon.
Upang mangyari ang nasabing positibong pag-aanalisa sa itaas, siguraduhin mong sa susunod na pag-ibig, isasaalang-alang mo na ang mga lalaking ka-compatible mo.
Sa kaso mo na isinilang sa zodiac sign na Aquarius, ka-compatible mo ang tulad mo na may air sign na Libra, Gemini at kapwa mo Aquarius, gayundin ang fire sign na Leo, dagdag pa rito, magiging malapit ka rin sa mga lalaking may zodiac sign na Sagittarius, higit lalo silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18, 27, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28.
Piliin mo ang nasabing mga lalaki, sapagkat sila ang magmamahal sa iyo nang tapat at panghabambuhay. At sa ikatlong pag-ibig na inaasahang magaganap sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 30 pataas, makakasumpong ka na ng tapat na pakikipagrelasyon, na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments