Dahil sa Oktubre na ang pasukan... Tamang paraan para maturuan ang bata na gumalang sa guro
- BULGAR

- Aug 15, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 15, 2020

Matinding responsibilidad ang dapat ituon ng guro sa kanilang mga estudyante at kailangan nilang magtrabahong mabuti araw-araw hindi lamang para mabigyan ang kanilang mga estudyante ng akademikong pagtuturo kundi ang maging emosyonal na suporta at gabay.
Napakaraming hindi mabilang na mga kuwento mula sa mga entertainers, pulitiko at mga negosyante kung paano sila nainspira mula sa sarili nilang mga guro at maging hanggang ngayon ay ang mga guro pa rin ang humuhubog sa kinabukasan ng mga bata.
Bilang magulang kailangan mong turuan ang mga anak na gumalang at i-appreciate ang commitment na ipinakikita ng mga guro araw-araw dahil kapag ginawa ito ng mga bata ay rerespetuhin din nila ang iba na may awtoridad tulad ng mga nabanggit at kanilang magiging boss.
1.Ipayo sa kanila kung bakit kailangang igalang ang mga guro. Sabihin kung paanong ang mga guro ay naghahanda ng kanilang aralin upang matulungan nila ang mga estudyante na maunawaan ang matematika, araling panlipunan at Ingles na mas mahusay.
Magbigay din ng kuwento hinggil sa isang guro na nagbigay inspirasyon sa iyo upang maging mabuting tao. Halimbawa kung nahihirapan ka sa isang academic subject at ang iyong Grade 5 teacher ay naglaan ng ekstrang oras matapos ang school time para tulungan ka na makapaghanda sa exam, sabihin kung paano ka niya tinuruan hinggil sa kahalagahan ng pagmamahal sa pag-aaral.
2. Disiplinahin ang mga bata kung hindi sila gumagalang sa guro. Kung sinabi ng principal na ang iyong anak ay nagsalita ng nakaiinsultong komento sa kanyang Biology teacher, samahan ang anak na papunta sa kanyang guro. Pag-uwi ninyo sa bahay, sabihan siya na dahil hindi niya nirespeto ang kanyang guro hindi mo siya ngayon papayagan na makapaglaro sa internet ng ilang araw.
3.Pasulatin siya ng letter of appreciation sa kanilang guro. Sabihan siya na isulat anuman ang kanyang pinakagustong ugali o bagay sa kanyang guro at sabihan siya na magpasalamat sa guro dahil sa katiyagaan ng mga ito na turuan sila, araw-araw.
MABISANG TEKNIK PARA MADALING MAPASUNOD ANG BATA. Ang mga bata ay mga taong may sariling ideya at personalidad. Ang counseling halimbawa ay napakahirap para sa mga bata bukod sa pagpapa-counsel ng adults. Anuman ang inyong layunin, mahalaga na matandaan ang pakikipag-usap sa mga bata ay hindi pareho sa adults. May iba’t ibang counseling techniques na magagamit sa mga bata.
Ipaliwanag ang kanilang mundo. Mahalaga na simulan ang therapy sa bata sa pag-unawa sa kanyang kahinaan. Sa halip na simulan ang pag-uusap sa mga inaakala, simulan sa pagtatanong na ayon sa kanyang lengguwahe. Halimbawa, kung may mga senyales na kalungkutan ang bata dahil sa paghihiwalay ng magulang, sabihin sa kanya na, “Naiintindihan ko kung bakit ka nalulungkot sa paghihiwalay ng iyong mga magulang.”
Mga kalmadong klase ng katanungan, iyong hindi manghuhusga na paraan. Halimbawa, “Temmy, sa iyong palagay, ano sa tingin mo ang dapat na turingan ng mga mommy at daddy?” Kung ikaw ang magiging daddy, ano sa tingin mo ang gusto mo araw-araw?”
Higit na kampante at komportable na ang bata sa kanyang mga sasagutin. Masisimulan na rin siyang makapagpaliwanag nang husto maging sa kanyang personal na sitwasyon na maging bahagi ng kanilang mundo.
Sabihan siya na magdrama kunwari bilang magulang. Siya rin ang magbibigay ng ideya kung paano nagsasalita ang kanyang mommy o daddy. Ang aktibidad ay maaaring parang ganito, halimbawa, “Temmy,mahilig ka ba sa drama?” Puwede bang ikaw ang magbigay ng mga sasabihin na kunwari nasa isang pamilya ka?”
Obserbahan ang anumang emosyon sa pagdeliber niya ng mga linya sa drama. Dito makikita ang kanyang mundo. Ang ‘art therapy’ ika nga ay kagulat-gulat na epektibong paraan ng pag-counsel sa mga bata. Bagamat makatutulong hindi mo kailangang maging sertipikadong art therapist sa counseling.
Higit na gusto ng mga bata ang mag-drawing para ilarawan ang kanyang sitwasyon at pamilya kaysa ang magsalita hinggil sa kanyang nararamdaman.
Simulan na sabihan ang anak na iguhit ang larawan na nagpapakita kung ano ang lagay ng kanyang araw mula sa kanyang pagkagising hanggang sa kanyang pagtulog. Obserbahan ang anumang kaibahan sa oras niya sa bahay at sa labas o nasa iskul.
Kung umaayaw siya ay kausapin nang masinsinan at sabay kayong magdo-drawing.








Comments