top of page
Karylle at Robin Padilla - IG - FB.jpg

Dahil sa movie na tungkol sa ngongo… JERALD, BINANTAANG PAPATAYIN NG NETIZEN, MISIS NA SI KIM PUMALAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 3 min read

ni Evy Baldago (OJT) @Special Article | June 16, 2026



SPECIAL ARTICLE - JERALD, BINANTAANG PAPATAYIN NG NETIZEN, MISIS NA SI KIM PUMALAG-IG _iamjnapoles

Photo: IG _iamjnapoles



Naglabas ng saloobin ang aktres na si Kim Molina matapos makatanggap ng pagbabanta ang kanyang asawa na si Jerald Napoles.


“T*ena ka wag ka nga mag movie movie ng ngo ngo t*ena mo ka makita lang kita gigripuhan kita,” saad ng isang netizen na nag-message kay Jerald.


Sa kabila ng seryosong mensahe, kalmado itong sinagot ni Jerald ng: “Hi! Thank you for reaching out. Let me try to get back to you as soon as I can.”


Hindi naman ito pinalagpas ni Kim at agad na ipinahayag ang kanyang pagkabahala sa mga ganitong klase ng komento online.


“Messages like this are alarming and should never be normalized. Criticism is one thing, but threatening physical harm is another,” saad ng aktres.


Dagdag pa niya, hindi dapat ginagawang katatawanan ang mga ganitong sitwasyon.

“Laugh emojis and ‘funny’ comments may sound playful, but let’s keep discussions respectful and remember that behind every screen is a real person.”


Matatandaang naging sentro ng usapan si Jerald dahil sa kanyang pagganap bilang Ngo sa pelikulang Love, Ngo, kung saan umani siya ng sari-saring reaksiyon mula sa publiko.

Sa kabila ng mga batikos, marami ring netizens ang nagpahayag ng suporta sa aktor at hinikayat siyang magsampa ng kaukulang kaso laban sa taong nagpadala ng banta.





NAPA-“lande mo” na lang ang beauty queen at actress na si Rabiya Mateo matapos ang sweet at mapang-asar na komento ng kanyang nobyong si Jake Cuenca sa kanyang Instagram post.


Nagbahagi kasi si Rabiya ng picture niya habang nakaupo sa ibabaw ng kotse at nakasuot ng kita ang pusod. Hindi naman nagpahuli si Jake at agad na nag-iwan ng nakakakilig na komento.


“I was busy admiring the scenery here in the UK… until you posted this. Now it’s hard to focus (fire emoji),” saad ng aktor.


Agad itong sinagot ni Rabiya sa isang simple ngunit nakakakilig na tugon.

“Lande mo,” sagot niya.


Dahil sa kanilang nakakatuwang palitan ng mensahe, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa kanilang mga followers at netizens ang magkasintahan, kung saan marami ang kinilig sa kanilang pagiging sweet sa social media.


Matatandaang kinumpirma ni Jake ang kanyang relasyon kay Rabiya noong Mayo. Mula noon, madalas nang ibahagi ng dalawa ang ilang masasayang sandali ng kanilang relasyon na lalong ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.





MULING pinag-usapan ng mga netizens sina IV of Spades member Zild at BINI member Maloi matapos silang mamataan na magkasama sa isang wedding reception sa Tagaytay.


Sa Instagram Story ng kamag-anak ni Maloi, makikitang magkatabi ang dalawa habang nakikibahagi sa masayang selebrasyon. 


Sa isa pang video na kumalat online, makikita si Zild na kumakanta habang sumasayaw naman si Maloi.


Agad umani ng samu’t saring reaksiyon ang mga larawan at video ng dalawa, lalo na’t matagal nang iniuugnay ang kanilang mga pangalan sa isa’t isa. 

Gayunpaman, nananatili pa ring tikom ang bibig nina Zild at Maloi tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


Ilan sa mga komento ng netizens:


“Congrats Zild, legal ka na talaga sa angkan ni Maloi.”

“I can’t blame people for thinking Zild and Maloi are together.”

“What a lovely and cute couple.”


Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na namataang magkasama ang dalawa. Ilang beses na rin silang naging usap-usapan online dahil sa kanilang closeness, dahilan upang lalo pang ma-curious ang kanilang mga tagahanga sa kanilang tunay na relasyon.


Sa kabila ng mga espekulasyon, wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawang performers tungkol sa kanilang real score.

1 Comment


Winola Joe
Winola Joe
4 days ago

This is such a heavy story about Kim and Jerald. It's scary how people act online. Honestly, whenever I need a distraction from intense news, I find Hear me out really useful for getting creative and relaxing.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page