Dahil kay PBBM — DEPDev... Mas maraming Pinoy na ang mapera
- BULGAR

- 3 minutes ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 24, 2026

Photo: File / DSWD
Tinatayang 6.5 milyong Pilipino ang nakaahon sa kahirapan, kasabay ng pagbaba ng poverty incidence sa 9.7% noong 2025, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).
Batay sa 2025 Full-Year Poverty Statistics na inilabas ng Philippine Statistics Authority noong Agosto 21, 2026, ito na ang pinakamababang antas ng kahirapan na naitala sa bansa.
Ayon sa DEPDev, nakatulong sa pagbaba ng poverty incidence ang mga programa at serbisyong ipinatutupad ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang dito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang DSWD Walang Gutom Program, na nagbibigay ng suporta sa mahihirap, vulnerable at disadvantaged na sektor.
Saklaw ng mga programang ito ang tulong para sa pagkain, edukasyon at iba pang pangangailangan na naglalayong mapabuti ang kapakanan at kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo.





Comments