top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dagdag-tulong sa solo parents, lusot na

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2021
1 min read

@Editorial | December 15, 2021



Aprub na sa third and final reading sa Senado ang panukala para sa karagdagang benepisyo sa solo parents.


Lahat ng 22 mambabatas na nasa sesyon ang bumoto para sa pagpasa ng Senate Bill No. 1411, na layong amyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000 para sa karagdagang mga benepisyo.


Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng comprehensive package para sa social protection ng solo parents, kabilang ang livelihood, legal advice and assistance counseling services, parent effectiveness services at stress debriefing.


Tatanggap din ang mahihirap na solo parents ng P1, 000 mula sa kanilang lokal na pamahalaan.


Mabibigyan din sila ng scholarship grants, gayundin ang kanilang mga anak sa basic, higher at technical — vocational education and training gayundin ang awtomatikong pagiging miyembro ng PhilHealth.


Magiging prayoridad din sila sa mga programang pabahay ng gobyerno.


Bagama’t naging mahirap umano ang pagtulak sa Expanded Solo Parents Welfare Act, sadyang naging matiyaga ang mga solo parents sa pagkampanya para sa pagpasa nito.


Napakalaking tulong nito, lalo na sa gitna ng pandemya. Marami ang nawalan ng hanapbuhay, hindi na malaman kung paano maitataguyod ang anak o mga anak nang mag-isa.


Kaya sa pamamagitan ng mga dagdag-tulong, masasabing mababawasan na ang alalahanin ng mga nanay o tatay.


Hindi lamang ito para sa mga magulang kundi higit na matutulungan ay ang mga bata, para sa kanilang kinabukasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page