top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dagdag-titser, malaking tulong sa pagpapabuti ng edukasyon

BULGAR
Sep 4, 2022
1 min read

@Editorial | September 4, 2022


Sang-ayon tayo sa plano ng Department of Education (DepEd) na mag-hire ng 10,000 na mga guro sa susunod na taon.


Sa pamamagitan nito ay magkakaroon na ng sapat na bilang ng mga titser sa mga paaralan.


Sa ngayon, gumagawa na umano ng mga aksyon para mapunan ang pangangailangan ng mga eskwelahan sa teaching personnel kabilang na ang “continuous hiring".


Una nang naglabas ng Memorandum No. 76 tungkol sa pagpupunan sa mga kulang na posisyon ng mga guro.


Bagama't wala umanong tiyak na target, malaking bagay pa rin na kahit paano ay magagawan na ng solusyon ang matagal nang problema sa kakulangan sa guro.


Batid naman natin na kapag kulang sa guro, nalalagay din sa alanganin ang kabuuan ng edukasyon. Pupunan ng mga titser ang kakulangan, doble ang kayod at talagang sakripisyo.


Hindi rin maiwasan na maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante. Kapag kaunti ang guro, mas maraming estudyante ang nasa isang klasrum. Sa ganitong sitwasyon, hindi maitatawid nang maayos ang aralin.


Kaya sana, madagdagan pa ang mga guro. Aminin natin, maraming nakapasa at handa na sa pagtuturo pero sa ilang kadahilanan ay hindi naman natatanggap. Sana matukoy ito ng kagawaran.


Alagaan natin ang ating mga guro. Kilalanin natin at pasalamatan ang kanilang dedikasyon at pagmamahal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page