top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dagdag-suweldo sa health workers, madaliin na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2021
  • 1 min read

@Editorial | November 6, 2021



Mula sa P33, 575 ay inihihirit na gawing P60, 901 ang starting monthly base pay ng mga nurse na nagtatrabaho sa mga government hospital.


Ito ang nakapaloob sa House Bill 7933 na isinusulong ngayon sa Kongreso.


Sa gitna ng dinaranas na pandemya, napag-alamang 5,957 nurses ang nagbabalak na maipagpatuloy ang propesyon sa Amerika matapos kumuha ng U.S. licensure examination sa unang pagkakataon mula Enero hanggang Setyembre 2021.


Mas mataas ito nang 25 porsiyento kumpara sa bilang ng nursing graduates na kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) sa unang pagkakataon sa kaparehong buwan noong 2020, batay sa datos ng U.S. National Council of State Boards of Nursing Inc.


Inaasahang darami pa ang Pinoy nurses na lilipat sa U.S. dahil sa mataas na suweldo.


Sa California, ang isang registered nurse ay nakakatanggap umano ng average na $120,560 o P6.1 milyon kada taon.


Ito ang katotohanan sa sitwasyon ng mga health workers sa bansa. Gustuhin man nilang maglingkod sa bayan, paano naman ang kanilang pangangailangan at ng kanilang pamilya?


Kaya patuloy na magiging hamon sa ating gobyerno ang paggawa ng mga paraan upang mas matutukan ang kanilang mga karapatan at pangangailangan.


Matatandaang nagbabala na rin ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na ilang Filipino nurses ang umaalis ng bansa para sa overseas jobs, kaya nitong Oktubre pa lamang, umabot sa 10 porsiyento ng nursing staff ng maraming ospital ang nawala.


Sana, huwag naman umabot na halos wala nang matirang health workers sa ating bayan. Ngayon pa lang ay aksiyunan na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page