Dagdag-pasahero sa public transpo, ‘di sana wrong move vs. COVID-19
- BULGAR

- Sep 14, 2020
- 1 min read
@Editorial | September 14, 2020
Ngayong araw magsisimula ang mas pinaluwag na pagpapatupad ng social distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Positibo naman ang tugon ng mga operators sa nasabing pagbabawas ng distansiya sa pagitan ng mga pasahero dahil nangangahulugan ito ng dagdag-pasahero at dagdag-kita.
Ang dating isang metrong layo ng bawat pasahero ay magiging .75 metro na lamang at posibleng gawin ding .5 metro sa susunod na dalawang linggo hanggang sa maging .3 metro na lang sa dalawang susunod na linggo. Papayagan na rin ang mga nakatayo at nakasabit sa mga bus basta nasusunod ang tamang social distancing.
Gayunman, bawal pa rin ang pag-uusap at pagtawag sa telepono sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Higit sa lahat, patuloy na ipatutupad ang mga safety measures tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagdaan sa temperature check at paglalagay ng mga sanitizer o alcohol sa mga pampublikong sasakyan.
Huwag din sanang makalimutan ang pag-fill up ng health declaration form para sa contact tracing.
Napakalaking tulong pa rin kung sa mismong mga pasahero magsisimula ang pag-iingat. Kung alam nating masama ang ating pakiramdam, huwag na nating piliting bumiyahe.
Pakiusap din sa mga drayber at operator, mas doblehin ang pasensiya at istriktong ipatupad ang lahat ng health protocols laban sa pagkalat ng virus.



Comments