top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dagdag-ospital sa iba’t ibang lugar ng ‘Pinas at murang gamot, napakalaking ginhawa

BULGAR
Jul 27, 2022
1 min read

@Editorial | July 27, 2022


Standing ovation at malakas na palakpakan ang tugon ng mga dumalo sa State of the Nation Address (SONA) nang banggitin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang planong pagtatayo ng mga specialty hospitals sa labas ng National Capital Region (NCR).


Batid natin kung gaano kahalaga ng malalaking specialty hospitals, tulad ng Philippine Heart Center, Lung Center, Children’s Hospital at National Kidney and Transplant Institute.


Gayunman, malayo na ang mga ito para sa mga kababayan nating nasa probinsya. Kumbaga, madugong gastusin at talagang pahirapan kapag lumuwas para makapagpagamot.


Kaya napakalaking bagay na matupad ang plano ng Pangulo na magkaroon ng katulad na ospital sa iba pang bahagi ng bansa.


Mas maaagapan ang karamdaman ng mga pasyente, bawas-gastos at magandang oportunidad din para sa mga health workers na nasa lalawigan para hindi na lumuwas ng Maynila o mangibang bansa. Basta matitiyak ng gobyerno na mabibigyan din sila ng maayos na pasahod at benepisyo.


Kaugnay nito, sinabi rin ni P-BBM na nakikipag-usap na siya sa mga kumpanya ng gamot para mapababa ang presyo. Ito rin ang isa sa problema sa mga ospital kahit dito sa Metro Manila. Reklamo ng mga pasyente, palaging walang stock ng kailangang gamot sa ospital kaya todo-diskarte kung paano magkakapera para makabili sa mga botika sa labas.


Napakahalagang magkaroon at mapanatili ang malakas na healthcare system at napatunayan natin ‘yan sa gitna ng COVID-19 pandemic. Naranasan natin ang pag-apaw ng mga pasyente sa mga ospital at ang kakulangan ng mga doktor at nurse. Sana hindi na ito maulit, sana masolusyunan na ang mga problema at sana maging mas matatag pa ang sistemang pangkalusugan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page