top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dagdag-bakuna, sa mga lugar na may COVID-19 surge

BULGAR
Jun 28, 2021
1 min read

@Editorial | June 28, 2021


Kabilang ang 10 lugar sa labas ng Metro Manila na nagkakaroon ngayon ng surge sa mga bagong impeksiyon ang padadalhan ng dagdag na suplay ng COVID-19 vaccines.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bibigyan nila ng 25% hanggang 30% na karagdagang bakuna ang Visayas at Mindanao upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng naturang sakit.


Gayundin, ayon pa sa Malacañang ay may 10 lugar sa bansa, na kinabi­bilangan ng Bacolod, Iloilo City, Cagayan De Oro, Baguio, Zamboanga City, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga, at Legazpi City, ang magi­ging bahagi ng prayoridad sa distribusyon ng mga bakuna.


Gayunman, hindi umano ito nanga­ngahulugang ititigil na ang pagbabakuna sa mga lugar na dating prayoridad na pagdalhan ng mga bakuna, na kinabibilangan naman ng NCR Plus 8 area, na binubuo ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.


Bukod sa pakikipagtulungan ng simpleng mamamayan sa mga programa kaugnay sa pagpapabakuna, kailangan itong sabayan ng tamang diskarte ng gobyerno nang sa gayun ay madali nating maipapanalo ang laban kontra COVID-19.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page