top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Dagdag-ayuda sa PUV drivers

  • BULGAR
  • Mar 9, 2022
  • 1 min read

@Editorial | March 9, 2022


Sumirit na ang bigtime taas-presyo sa petrolyo.


Talagang pinilahan ang mga gasolinahan bago umabot sa oras ng pagtataas.

Walang magawa, kailangang magpa-gas.


Kaugnay nito, nais naman ng National Economic Development Authority (NEDA) na itaas sa P5 bilyon ang pondong gagamitin para sa fuel subsidy ng mga Public Utility Vehicle drivers.


Inilatag din ng pamunuan ng NEDA ang ilang rekomendasyon upang mabawasan ang epekto sa bansa nang walang prenong pagtaas ng presyo ng petrolyo. Kabilang na ang pagkakaroon ng dalawang bugso sa pamamahagi ng ayuda at dodoblehin din ang pondong nakalaan sa mga nasa sektor ng agrikultura para sa kanilang fuel discount.


Hihilingin din sa mga kompanya ng langis na magpatupad pa ng mga discount para sa mga PUV drivers na aabot sa P1 hanggang P4.


Isa pa sa mga sinisilip na solusyon ay pataasin pa ang buffer stock ng langis ng Pilipinas sa 45-araw mula sa kasalukuyang 30-araw.


Una nang inirekomenda ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara na ng state of economic emergency na layong gamitin ang calamity funds ng Local Government Units (LGUs1) bilang subsidiya sa kanilang mga tsuper, magsasaka at mga mangingisda.


Ang hirap nang walang magawa tuwing may pagtataas sa presyo ng mga bilihin o singil sa mga serbisyo. Minsan kahit anong diskarte at pagtitipid, hindi na talaga umuubra. Kailangan na ng mas matinding solusyon at sana 'yung pangmatagalan na. Para hindi tayo nalulugmok 'pag may mga banta sa kabuhayan.


Sa ngayon, tiis muna, maging patas, sumunod sa batas at magtiwala pa rin tayo sa ating gobyerno na may ginagawa ang mga opisyal at may konkretong pantapat sa walang tigil na pagtaas sa presyo ng gas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page