top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Daga at ahas, pahiwatig ng mga kaaway

BULGAR
Aug 31, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 31, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Tondo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming daga sa bukid namin. Mayroon ding rattlesnakes at mga kuneho sa kabilang pilapil.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Donato



Sa iyo, Donato,


Ang ibig ipahiwatig ng maraming daga sa bukid n’yo ay may nagbabantang gulo sa buhay mo. Matagal na itong pinaghandaan at planadong-planado na ito ng mga kaibigan mo na nagkukunwaring kaibigan, pero lihim mo palang kaaway. Sobrang inggit nila sa iyo kaya gusto ka nilang pabagsakin.


Ang rattlesnakes naman ay lihim na kaaway din ang ipinahihiwatig. Kung mag-iingat ka, maiiwasan mo ito, pero kung hindi ka mag-iingat, may posibilidad na magapi ka nito at tuluyang matalo.


Samantala, ang kuneho naman sa kabilang pilapil ay halos pareho ng kahulugang nabanggit sa itaas. Napapaligiran ka ng mga kaaway, subalit kung magiging mapagmasid ka, matalas ang pakiramdam at hindi kinakabahan, matatalo mo sila. Hindi magwawagi ang mga kaaway mo, gaanuman sila karami.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page