top of page

DA, naglabas ng bagong SRP sa merkado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | August 12, 2020




Naglabas ng bagong suggested retail price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) sa ilang pangunahing produkto upang maiwasan ang profiteering o labis na singil sa presyo habang nakararanas ang bansa ng pandemya.

Naging epektibo na noong August 3, ang pinakabagong SRP para sa prime agricultural commodities sa lahat ng wet market sa Metro Manila, base sa Administrative Circular 10 ng DA na pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar at ipinakita rin sa media.


Nagkakahalaga ang iba’t ibang imported rice na P40 per kilo ang well-milled, P43 per kilo ang premium at P52 per kilo ang special.


Samantala, ang well-milled local rice ay nagkakahalaga ng P40 per kilo, ang premium ay P45 per kilo at ang special ay P53 per kilo.


Gayundin, ang SRP para sa cage-cultured milkfish o bangus ay P169 halaga per kilo, ang tilapia ay P120 per kilo, ang roundscad o lokal na galunggong ay P140 per kilo at P180 naman para sa imported variety.


Para sa isang kilo ng baboy (pigue/kasim) dapat na ibenta ito ng P230 per kilo, habang ang pork liempo ay P250 per kilo lamang. Ang halaga ng isang kilo ng manok ay P130 dapat at ang itlog ng manok ay P6.50 ang isa.


Sa presyo ng pulang sibuyas at imported garlic o bawang, ito ay nagkakahalaga ng P100 per kilo.


Sa iba pang basic commodities na sakop ng bagong SRP, ang refined sugar na P50 per kilo at ang brown sugar ay P45 per kilo. Ang cooking oil o mantika ay nagkakahalaga ng P25 per 30 milliliters at P50 per liter.


Gayunman, maaaring magdagdag ng presyo ng hanggang 10 percent lamang ang mga retailers mula sa SRP nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page