top of page

Crossing Bell, umigkas ang lakas sa 3-YO Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 30, 2023


Nakilatis ang tikas ni Crossing Bell matapos ang pahirapang pagtawid sa finish line nang manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas noong Martes ng hapon.


Mabilis na lumabas sa aparato si Crossing Bell subalit kinapitan siya ni Star Of India para hawakan ang unahan.


Lamang ng leeg si Star Of India kay Crosing Bell habang nag-uubusan ng lakas sa unahan at nagpatuloy ang tagisan nila ng bilis na parang ayaw magpaiwan sa isa't-isa.


Balikatan ang labanan nina Crossing Bell at Star Of India na umabot hanggang far turn at sa huling kurbada ay halos magkapantay ang dalawang nabanggit na kabayo.


Hindi pa rin naghiwalay sina Crossing Bell at Star Of India sa rektahan, nag-ubusan ng lakas ang dalawa kaya naman pagdating sa meta ay close finish ang isinigaw ng race caller.


Idineklarang nanalo ang Crossing Bell na sinakyan ni Mark Angelo Alvarez makalipas ang ilang minuto.


Inilista ng Crossing Bell ang tiyempong 1:14.6 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng Bell Racing Stable ang P20,000 added prize.


Samantala, pitong races ang inilarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Martes, lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page