Crane bumagsak, construction worker, dedbol

ni Levi Gonzales @News | August 8, 2026

Photo: File / PNR
Patay ang isang construction worker habang sugatan ang isa pa matapos bumagsak ang isang launching gantry o crane sa South Railway Project sa Brgy. Tagapo, Santa Rosa City, Laguna.
Kinilala ang nasawi na si alyas Jay-Ar, 41, habang sugatan naman ang kasamahang si "Wang," 38, na agad isinugod sa pagamutan.
Batay sa imbestigasyon, alas-11:04 ng umaga kapwa nagtatrabaho ang dalawang biktima bilang operator ng launching gantry sa SCRP CP05 South Railway nang biglang bumagsak ang crane kasama ang mga ito.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.





Comments