top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

COVID pandemic, tapusin na

BULGAR
Sep 16, 2022
1 min read

@Editorial | September 16, 2022


Aminado ang World Health Organization (WHO) na maituturing na dramatiko ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa maraming mga bansa.


Kaugnay nito, nanawagan ang WHO sa buong mundo na samantalahin ang pagkakataong ito na wakasan na ang pandemya.


Bumaba umano sa lowest level ang naitatalang mga tinatamaan ngayon ng COVID kumpara nang magsimula ang paglobo ng bilang noong Marso 2020.


Sa pagkakataong ito, ayon sa WHO, nakikita na nila ang dulo na maaaring matapos na ang COVID pademic.


Pero, hindi ito rason para tumigil sa paglaban kundi mas kailangan pang mag-ingat.


Ang ganitong pagkakataon ay dapat samantalahin at paspasan ng mga bansa upang hindi bumalik sa dati na maraming COVID variants, marami ang namamatay at matindi ang masasamang epekto sa buhay ng mga tao.


Kasabay ng pagbaba ng COVID cases, nagluluwag naman ng protocols bagay na hindi dapat abusuhin. Huwag maging kampante.


Maraming bansa ang bumaba na rin ang bilang sa pagsasagawa ng testing at hindi na natutukoy ang mga seryosong kaso. Marami ring pasyente na hindi na naire-report.


Sundin pa rin natin ang mga protocols at recommendations laban sa virus.


Dito sa ating bansa, optional na lang ang face mask sa outdoor, pero mapapansin na marami pa rin ang nagsusuot nito, na talaga namang mas makakatulong para sa tuluy-tuloy na pag-iwas sa pagkalat ng COVID.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page