top of page
Search
  • BULGAR

COVID cases sa NCR bumaba, disiplina pa more

@Editorial | August 23, 2022


Good news ang ulat na nabawasan ng 15 porsyento ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).


Ayon sa OCTA Research, base ito sa nakalap na datos hanggang Agosto 21.


Bumaba rin ang reproduction number sa NCR sa 1.03 hanggang Agosto 18, kumpara sa 1.11 noong Agosto 11.


Nasa 1,055 naman ang seven-day average ng mga kaso o average daily attack rate (ADAR) na nasa 7.32 kada 100,000.


Bumaba rin sa 14.6% ang positivity rate sa Metro Manila hanggang Agosto 20.


Nasa 37% naman ang healthcare utilization sa COVID-19 habang 30% ang ICU occupancy hanggang Agosto 20.


Sa ngayon, nananatili pa rin sa moderate risk ang Metro Manila.


Ang mga tala ay masasabing magandang senyales na sana ay hindi magbago lalo't nagsimula na ang face-to-face classes. Kapansin-pansing may ilang eskwelahan na talagang puno ng mga nagbabalik-eskwela. Hindi maiwasan na malabag ang ilang health protocols.


Inaasahan na ang ganitong eksena pero sana ay maging maayos na ang sistema sa mga susunod na araw.


Palagi nating paalalahanan ang mga estudyante na mag-ingat at sundin ang mga panuntunan laban sa COVID at iba pang sakit tulad ng dengue. Panatilihin nating malinis ang mga silid-aralan at ang kabuuan ng paaralan.


Tayo namang mga magulang, kapag may anak na medyo sumasama ang pakiramdam, utang na loob, huwag nang piliting pumasok.


Nagsisimula pa lang tayong bumawi, at sumabay sa banta ng COVID, huwag nating sayangin ang pagkakataon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page