top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

COVID-19 sa Tokyo itinaas sa alert no. 4

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | July 16, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Itinaas ng Tokyo ang kanilang COVID-19 sa alert no. 4 kahapon, dahil sa mabilis na pagkalat ng virus sa nasabing lugar.


Sa datos ng bustling metropolis ay nagkaroon ng bagong kaso na umabot sa 165 kasama na rito ang mga empleyado sa mga construction site.


Sinabi ng Tokyo Governor Yuriko Koike citing analysis, na mabilis kumalat ang virus sa mga opisina, medical institutions at childcare centers at 37 theatre actors at theatergoers naman ang apektado sa Shinjuku.


Binigyan-diin niya rin ang pagsasara ng mga negosyo at manatili sa bahay dahil hindi sapat ang kanilang mga medical institutions. Ayon pa kay Yuriko Koike, sa mga nakaraang buwan, anim lamang ang kritikal ang kundisyon at karamihan sa mga pasyente ay mild o asymptomatic cases lang.


Ngunit sa paglipas ng pitong araw ay bumilis ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 na umanot sa 186.5 cases simula Abril hanggang Mayo 25, ngayong taon. Ayon naman kay Dr. Norio Omagari ng National Centre for Global Health and Medicine sa Tokyo na-doble ang mga naapektuhan ng coronavirus mula pa nu’ng nakaraang Linggo.


Nagbigay din siya ng babala na maaari pang tumaas ang kaso ng COVID-19. Sa datos ng ibang lugar sa Tokyo tulad ng Kanagawa ay 41 katao kada araw ang naaapektuhan ng sakit noong Abril 18, 61 naman sa Osaka na nagdeklara ng “Yellow alert noong Abril 20, 2020.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page