COVID-19 cases sa bansa, tumataas muli
ni Ryan Sison @Boses | May 2, 2023
Patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 infections sa Metro Manila.
Ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research, ang lingguhang positivity rate ng National Capital Region (NCR), ay tumaas sa 14.3% mula sa 9 % noong nakaraang linggo.
Ang COVID-19 cases sa buong bansa ay tumaas sa mga nakalipas na linggo sa gitna ng pagpasok ng bagong sublineage ng Omicron.
Batay sa Department of Health (DOH), noong nakaraang linggo na ang XBB.1.16, mayroon umanong isang bagong sublineage ng Omicron na sinasabing mas madaling makahawa, ngunit may mababang tsansa ng panganib, nakitaan ng ganitong virus ang isang residente sa lalawigan ng Iloilo.
Sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, pinayuhan ng DOH officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire ang mga infected na indibidwal na huwag “mag-self-medicate” sa panahon makaranas ng sintomas.
Sa ilalim ng umiiral na mga patakaran, ang mga fully vaccinated na may mild symptoms ay kailangang mag-isolate sa loob ng pitong araw, habang ang mga hindi nabakunahan o mayroon lamang isang primary dose ay kailangang mag-quarantine sa loob ng 14 araw.
Samantala, mahigpit na pinag-iingat ng mga eksperto ang mga indibidwal mula sa mga nakakahawang sakit, tulad na lamang ng ating mga senior citizens na may mga karamdaman, na panatilihing magsuot ng face mask, lalo na sa lugar na may mataas na cases upang mapanatili ang kanilang sarili na protektado mula sa COVID-19 at iba pang mga nakakahawang sakit.
Tumataas na naman ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, magdoble-ingat tayong lahat upang mapigilan ang pagtaas nito. Bilang indibidwal, gawin natin ang bawat parte natin at sumunod tayo sa mga payo ng eksperto upang tayo ay maging ligtas mula sa COVID-19.
At magpabakuna na rin ang mga hindi pa bakunado upang mas lumakas ang ating immune system laban sa sakit na dala ng virus, lalo’t iwasan ding pumunta sa mga mataong lugar, dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit tumataas ang cases.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments