COVID-19 booster vaccine sa NCR, larga!
@Editorial | December 24, 2021
Bago matapos ang taon, nagsimula na ang lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pag-eenganyo ng kanilang mamamayan na magpa-booster shots laban sa COVID-19.
Ito ay mula nang nag-anunsiyo ang Department of Health (DOH) na aprubado na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pinaikling buwan ng pagpapa-booster mula sa dating anim na buwan, ginawa na lamang itong tatlong buwan pagkatapos ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Karamihan aniya sa LGUs sa NCR ay tumatanggap na ng mga gustong magpa-booster.
Kaugnay nito, may mga panuntunang dapat sundin, kailangang dalhin ng mga magpapa-booster ang kanilang vaccination card bilang katibayang tapos na nila ang 2nd dose ng bakuna.
Samantala, ‘wag din kalimutan ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask kapag magtutungo sa mga vaccination sites.
Magugunitang ipinatupad ng DOH ang booster shots matapos ang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Sa huli, paglilinaw ng DOH na hindi puwedeng bigyan ng booster COVID-19 vaccine ang mga edad 12 hanggang 17.
Bagama’t may progreso na ang pakikipaglaban sa COVID-19, ‘wag tayong magpakampante. Unahin pa rin natin ang pag-iingat nang sa gayun ay ligtas nating haharapin ang panibagong taon.



Comments