top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga pasaway na drayber, nasampulan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
1 min read

@Editorial | January 06 , 2022



Dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases, balik-Alert Level 3 sa Metro Manila at ilang lalawigan.


Kasabay nito ang muling pagpapatupad ng mas mahigpit na protocols sa mga pampublikong sasakyan.


Ang problema, kahit may anunsiyo na, may mga pasaway pa rin.


Sa unang araw ng balik-Alert Level 3 sa Metro Manila, umabot sa 32 PUV drivers at operators ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa paglabag sa minimum health standards laban sa COVID, tulad ng 70% passenger capacity limit.


Ginanap ang mga operasyon sa Caloocan, Malabon, Pasay, Maynila, at Parañaque. Inisyuhan ang mga nahuli ng show-cause order.


Daing naman ng ilang drayber, nahirapan silang pigilan ang bugso ng mga pasahero, lalo na kapag rush hour.


Anila, aalis ang mga jeep na tig-7 ang pasahero sa magkabilaang upuaan, at isa sa harapan. Pero pagdating sa ibang lugar, hindi na umano nila napipigilan ang mga tao na biglang sasabit o sasakay kasabay ng bababang pasahero.


Paliwanag pa nila, noong may plastic barriers pa, mas nasusunod ang maximum passenger capacity, dahil ito ay nagsisilbing harang.


Nagbabala na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang hindi pagsunod ay maaaring maging dahilan ng pagsuspinde sa prangkisa.


Ang paalala natin sa lahat, hindi lang sa mga drayber kundi sa ating mga pasahero, matuto rin tayong sumunod. Palaging magsuot ng facemask, ‘wag magsalita o makipag-usap sa telepono, awat muna sa pagkain habang nasa biyahe at palaging sundin ang panuntunan sa physical distancing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page