Magat Dam, magpapakawala ng tubig ngayong 3PM

ni Jasmin Joy Evangelista | October 10, 2021

Naglabas ng advisory ang National Irrigation Administration (NIA) ngayong Linggo ng umaga na magpapakalawa ng tubig ang Magat Dam simula mamayang alas-3:00 ng hapon dahil sa bagyong Maring.
Ang pagpapakawala ng tubig ng dam na matatagpuan sa Ifugao at Isabela ay dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa mga nasabing lugar.
“The spillway’s Gate No. 4 will be opened at one meter, approximately discharging 200 cms,” pahayag ng NIA.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa northeastern portion ng Isabela (Santa Maria, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, San Mariano).





Comments