Horoscope | August 13, 2024 (Martes)
- BULGAR

- Aug 13, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 13, 2024

Sa may kaarawan ngayong Agosto 13, 2024 (Martes): Magagamit mo ngayon ang likas mong suwerte. Kumbaga, susuwertehin sila dahil sa iyo, kaya sikapin mong umunlad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikitang maraming oras ang ginugugol mo sa pag-iisip ng mga negatibong pananaw, pero ang isang munting positibong kilos mula sa iyo ay sapat na para bumalik ang iyong dating sigla. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-20-24-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka dahil marami ang nagnanais na mabigo ka. Lumayo ka agad sa mga taong kilala mong hindi maganda ang laman ng isip para sa kanyang kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-32-35-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng gulong ng iyong kapalaran dahil makikitang mas abala ka sa kapakanan ng iba. Sa muling pagbabalik mo sa iyong sariling buhay, bibilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-20-34-41-43.
CANCER (June 21-July 22) - Madali kang maiinis, kaya mawawala ka sa tamang diskarte. Kapag napansin mong ganu’n na ang nangyayari, ang iyong kinaiinisan ay agad mong iwanan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-25-33-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maraming mapanghusga ang maglalabasan. Kaya naman, umiwas ka sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-18-26-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang maraming balakid sa landas ng buhay na iyong tinatahak, pero makikita rin na ‘pag nagpatuloy ka sa paglakad, mas mapapalapit ka sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-27-33-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga mamimintas at mahihilig makialam sa buhay ng may buhay. Ituloy mo lang ang sarili mong diskarte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-21-26-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang sumisikat ang Haring Araw, palaging may pag-asa at may bagong araw. Magpasalamat ka sa panibagong pag-asa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-25-29-34-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang hihingi ng tulong dahil baka bumagal lang ang mga nais mong gawin. Sa pag-iisa, mas mapapabilis mo ang iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-16-20-31-40-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbigay ka para suwertehin ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-14-18-21-24-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpapalit ka ng pasya at magkakamali ka. Pero dahil hindi mo dinaya ang iyong sarili, muli mong babaguhin ang iyong desisyon at sa pagkakataong ito, mapupunta ka na sa tama. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-26-28-33-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag sigurado ka sa resulta ng iyong gagawin, huwag ka nang tumuloy. Mas magandang wala ka munang gawing anuman kaysa magkandamali-mali ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-21-33-38-42.





Comments