Tips upang manatiling nasa wasto ang isip kahit nakatoma
- BULGAR
- Mar 24, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 24, 2021

Kung nasa panahon ka ng pagsasaya ngayon o kung nais na makalimot sa mga mabibigat na problema at sakaling iinom ng anumang alak na nakalalasing, kailangang isipin palagi kung paano maging responsable sa iyong mga pagkilos, gagawin at sasabihin kapag tinamaan na ng espiritu ng alak. Ang pag-inom ay maaaring gawin nang paunti-unti lamang, kung totoma naman ng todo ay tiyak hahantong sa seryosong sitwasyon ang lahat. Tandaan na dapat mo pa ring iwasto ang iyong mga kilos. Heto ang ilang gabay na dapat sundin kung pasya mong tumoma sa loob ng bahay dahil bawal lumabas at bawal makipag-inuman sa ibang tao o sa kapitbahay o maging sa bahay ng kaanak dahil may pandemic.
1.Kung alam mo na kailangan mong magmaneho, huwag iinom ng alak o iba pang nakalalasing na inumin. At habang nagmamaneho kang may alak sa katawan, tiyak na masisira ang iyong diskarte. Kung pasyang tumoma ng marami, planuhin kung sino na ang ibang magmamaneho bilang kapalit mo.
2. Kung buntis, huwag kang totoma. Ang pag-inom ng alak kapag buntis ay magiging dahilan ng maraming komplikasyon sa pagkasilang ng sanggol. Ang ilang komplikasyon ay ang depekto sa katawan at maging sa isipan.
3. Ang iyong katawan. Kung totoma, unti-unti lamang. Huwag tutungga nang tutungga. Higit na magiging mabilis ang pagpasok ng alak sa ating mga ugat, na nagreresulta sa intoxication o sobrang kalasingan kapag ganito.
4. Ang pag-inom ng tubig. Para mas mapabagal ang pag-inom at paghalo ng alcohol sa katawan maging sa mga ugat, subukan ang pag-inom ng tubig sa pagitan ng pag-inom ng alak.
5. Ang pagkain. Huwag totoma kung walang laman ang tiyan. Iyan ang nagiging dahilan ng intoxication. Tiyakin na mayroon kahit paanong solidong pagkain sa iyong tiyan bago simulan ang pagtoma.








Comments