top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng sinuotan ng bf ng bracelet

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 7, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry Ann ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumating ‘yung boyfriend ko mula sa abroad, tapos bracelet ang pasalubong niya sa akin. Nang magkita kami, agad niyang isinuot sa akin ‘yung bracelet at ang ganda-ganda nito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorry Ann


Sa iyo, Lorry Ann,


Ang bracelet na tinutukoy mo sa iyong panaginip at ang sabi mo ay ang ganda-ganda nito, ay nangangahulugan na makakapag-asawa ka ng mayaman kung single ka pa sa totoong buhay. Kung married ka naman, ito ay nangangahulugan na ang asawa mo ay magkakapera nang malaking halaga.


Samantala, ang sabi mo ay ‘yung boyfriend mo mismo ang nagsuot sa iyo ng bracelet, ito ay nagpapahiwatig na kahit may karelasyon ka na, mai-in love ka pa rin sa isang estranghero. Kaya kung gusto mong pakasalan ka ng iyong boyfriend, iwasan mong ma-in love sa isang hindi mo kilala.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page