top of page

Contractual workers ng gobyerno nagsagawa ng kilos-protesta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | December 8, 2021



Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mga kawani ng gobyerno upang manawagan na pakinggan ang kanilang hinaing ngayong pandemya at ang tungkol sa kontraktuwalisasyon.


“Manggagawang kontraktuwal gawing regular!" sigaw ng mga ito.


Agad na naharang ang mga ito at hindi nakapasok ng Mendiola pero itinuloy pa rin nila ang protesta sa tabing kalsada para igiit ang ilang taon na nilang mga panawagan.


Iginiit din ng mga ito na hindi totoong natupad ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pangako simula nang siya ay nangangampanya dahil anila, hindi nawakasan ang “Endo”.


"'Yung pangako niya na wawakasan niya ang 'ENDO' hindi niya natupad so ayun 'yung sinisingil ng mga kawani ng gobyerno," ani Alan Balaba, presidente ng Social Welfare Employees Association of the Philippines.


Nanawagan din sila ng dagdag-sahod lalo't matagal na nilang gustong gawing P16,000 ang national minimum wage sa gobyerno at P750 per day na dagdag-sahod para sa mga nasa pribadong sektor. 


Nais umano ng mga grupong ito na mahalal ang kandidatong totoong may malasakit sa mga manggagawang tulad nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page