top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Contact tracing, seryosohin bago pa lalong kumalat ang COVID-19 cases

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2021
  • 1 min read

@Editorial | March 17, 2021



Umarangkada na ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga komunidad laban sa COVID-19.


Nadaragdagan na rin ang mga lugar na nakasailalim sa lockdown.


Ganundin ang pagtutok sa mga pasyenteng nahawahan ng virus. Kung saan, marami nang ospital ang umano’y napupuno na at pinangangambahang baka hindi na naman kayanin ng mga healthcare workers.


Kaugnay nito, isa sa mga dapat umanong tutukan ay ang contact tracing.


Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang mababang performance ng bansa sa contact tracing ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang kasalukuyang contact tracing ratio na 1:7 ay malayo umano sa ideal na 1:30 ratio sa ilalim ng formula na ipinatupad sa Baguio City, na masasabing epektibo kontra-pagkalat ng virus.


Kaya panawagan sa mga local government units (LGUs) na paghusayin pa ang kanilang mga contact-tracing efforts.


Kailangang maging masigasig sa pagsuyod sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.


Maliban sa sinasabing first level close contacts ng mga COVID-19 positive, dapat ding tuntunin ang second at third generation ng mga nakasalamuha ng pasyente.


Paalala rin sa publiko, gawing malinaw at totoo ang mga isinusulat sa contact tracing form. Ito ay hindi abala, kundi malaking tulong sa pagtukoy ng mga posibleng mahawahan ng sakit.


Kasabay nito ang mas maigting na pag-iingat sa mga lugar kung saan nakukuha ang COVID-19.


Tulad ng palaging paalala, mag-face mask, face shield, sundin ang physical distancing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page