Condo, kotse, pati food, unli… INCENTIVES NI YULO, MAHIGIT P100 M NA!
- BULGAR
- Aug 16, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 16, 2024

Araw-araw ay may nadaragdag sa listahan ng mga nagbigay ng ‘incentive’ sa double-gold Olympian athlete na si Carlos Yulo.
As of yesterday, mahigit P100 million na ang nakuwenta namin sa listahan ng mga nagbigay at ibinigay na incentives kay Carlos na lumabas sa X (dating Twitter).
Tumataginting na P77 M na ang cash incentives para kay Carlos na na-sight namin sa listahan. Kasama na r’yan ang P20 M mula kay President Bongbong Marcos at another P20 M mandated by Republic Act 10699.
Mula naman sa House of Representative ang P14 M, P5 M kay Chavit Singson, another P5 M from Arena Plus, tig-P3 M naman ang Bounty Fresh at Megaworld, habang P2 M ang Manila LGU.
May undisclosed amount din daw na ibibigay si Manny Pacquiao kay Carlos, bagama’t may balitang P10 M ang ibibigay na incentive ng boxing champ.
In kind, meron ding P42 M na three-bedroom condo, house and lot sa Batangas at Tagaytay, isang Toyota Prado Landcruiser (more than P5 M worth) at sandamakmak na unli-kain sa mga restaurants.
'Kaaliw naman ang nakita naming comments ng mga netizens sa mga incentives na matatanggap ni Carlos.
Sey ng mga netizens:
“Personal money po ba ni Bongbong ‘yung P20M?”
“Ang tanong, kailan magiging pera talaga ‘yan? At sana, marunong mag-manage si Carlos Yulo ng mga finances at properties n’ya, ‘wag makinig sa mga bulong ng mga nakapaligid.”
“Tawang-tawa ako sa lifetime Pares by Diwata at PM2 ng Mang Inasal.”
“Sana, inilagay n’yo rin unli rice.”
“Galing sa P32 M na condo sasakay sa Toyota Land Cruiser Prado, tapos kakain ng pares kay Diwata, aguy!”
“Sana, may health insurance, lifetime HMO, and travel insurance. Ano ang lifetime Diwata Pares?”
“Bunso… Caloy, ako 'yung nawawala mong kuya (laughing emoji).”
Oh, ‘di ba?
LAST time na nakausap namin ang veteran actor na si Christopher de Leon (Boyet) sa backstage ng 40th Star Awards for Movies ay naurirat namin sa kanya kung sa tingin niya ay aabot din sa five years ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ) gaya ng Ang Probinsyano (AP) ni Coco Martin.
Walang definite na sagot kung hanggang kailan sa tingin niya tatagal ang BQ sa telebisyon, pero ang tiyak niya ay marami pa raw kuwento ang Kapamilya action-series.
“Madami pa,” diin niya.
“Hindi pa kami nagkakilala ni Coco (bilang si Tanggol). Hindi n’ya alam na ako ang ama n’ya at paano nangyari ‘yun. At ‘yung ano pa, ‘di pa rin kami nagkita ni Cherry Pie (Picache). Kaya sa tingin ko, mahaba ang tatakbuhin ng kuwento,” paliwanag ni Boyet.
Although, sa last week’s episode ng BQ ay aksidenteng nagkita na ulit sina Boyet at Cherry Pie.
Ayaw naman naming ipa-reveal kay Boyet ang mga susunod na pangyayari at baka maging spoiler pa kami, baka magalit pa sa amin ang mga online viewers ng Kapamilya hit action series.
We heard umabot sa 729,234 peak concurrent views o ang sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) ang episode na ipinalabas noong Agosto 13.
Winasak nito ang sariling online record sa dalawang magkakasunod na gabi pagkatapos nitong gumawa ng record na higit 700,000 concurrent views sa unang pagkakataon.
Tuluy-tuloy nga ang mga pasabog sa BQ dahil nakamit ang panibagong milestone na ito sa loob lamang ng dalawang linggo mula noong lumampas sa 600,000 concurrent views ang serye.
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, 8 PM gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YT channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment.
Comentários