top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Compatibility, wala sa relasyong Libra at Cancer kaya maghihiwalay din

  • BULGAR
  • Sep 15, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 15, 2021


Dear Maestro,


Gusto kong malaman kung compatible ba kami ng aking live-in partner. Madalas na kaming nag-aaway ngayon, pero noon ay hindi naman. Iniisip ko na baka may iba siyang babae kaya palagi niya akong inaaway. Tama ba ang hinala ko na may iba na siya kaya parang nagbago na ang pagtingin niya sa akin? Isinilang ako noong July 2, 1991 at ang ka-live-in ko ay isinilang noong October 18, 1987. Compatible ba kami at kahit may problema kami ngayon, siya na ba ang aking makakatuluyan at makakasama habambuhay?


Umaasa,

Edralyn ng San Isidro, Liliw, Laguna

Dear Edralyn,


May babae man o wala ang kasalukuyan mong live-in partner, maaari ngang hindi rin magtagal ang inyong relasyon, sapagkat ang zodiac sign mong Cancer ay hindi naman compatible sa zodiac sign niyang Libra. Ang Cancer ay under sa elementong tubig, habang ang Libra ay under sa elementong hangin, ibig sabihin, sa pagsasama ng hangin at tubig ay walang mangyayaring mainit na relasyon at panghabambuhay na pag-iibigan. Habang sa Numerology, ang birth date mong 2 ay hindi rin gaanong angkop o tugma sa birth date na 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) ng iyong live-in partner. Ibig sabihin, sa halip na iniisip mong magtatagal pa ang inyong relasyon, ang mas maganda, ngayon pa lang ay paghandaan mo na ang inyong paghihiwalay. Sa ganyang paraan, kapag naganap na ang nasabing negatibong senaryo, hindi ka gaanong malulungkot, masasaktan at manghihinayang.


Sa susunod na pag-ibig, maghanap ka ng lalaking ka-compatible mo, sila ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Pisces, Scorpio, Capricorn at kapwa mo Cancer, na may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28. Sa piling ng nasabing mga lalaki, may pangako ng isang maligaya at pang habambuhay na relasyon.


Tulad ng naipaliwanag sa itaas, kung natatabangan na sa inyong relasyon ang kasalukuyan mong partner, tanungin mo siya kung ayaw na niya sa iyo at kung ‘oo’ ang kanyang sagot, palayain mo na siya upang ikaw ay makalaya na rin sa relasyong hindi naman kayo compatible at hindi naman kayo kapwa magiging maligaya.


Dapat kasing hangga’t maaga ay magkalinawan na kayo nang sa gayun, habang wala pa kayong anak, mas mainam nang matapos na ang relasyon kaysa naman kapag may anak na kayo ay saka pa kayo maghihiwalay.


Tandaang hindi mo siya ka-compatible, kaya hindi rin magtatagal ang kasalukuyan ninyong relasyon na nakatakdang matapos at tuluyan nang matutuldukan sa taon ding ito. Pagsapit ng susunod na taong 2022, sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo at sa edad mong 31 pataas, lulutang at ganap nang darating ang ikalawang lalaki sa iyong karanasan, na siya nang nakatakda mong makasama sa pagbuo ng mas maligaya at panghabambuhay na relasyon na may zodiac sign na Scorpio.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page