Search
  • BULGAR

Community service sa mga curfew at quarantine violators

@Editorial | April 07, 2021



Sa kabila ng ipinatutupad na mas mahigpit na quarantine protocols o enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus, hindi pa rin talaga nagpapaawat ang ilan sa ating mga kababayan na lumabag.


May ilan na napipilitan dahil kailangang dumiskarte para kumita, pero meron din namang malakas lang ang trip o tila likas na ang pagiging pasaway.


Pero ang paglabag sa mga ipinagbabawal ay may kaakibat na parusa.


Kaugnay nito ay inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na community services lamang ang ipataw sa mga maarestong lumalabag sa kasagsagan ng ECQ sa NCR Plus.


Magiging magaan diumano ang community services kaysa pagbayarin ang mga violators ng multa sapagkat maraming mamamayan ang hirap kumita dahil sa kawalan ng hanapbuhay.


Gayunman, kung papaboran na ito lamang ang maging parusa, hindi ibig sabihin nito ay ipagsasawalambahala o puwede na itong mamaliitin. Tandaan na sa bawat paglabag, buhay ang maaaring mapahamak. Hindi nakikita ang kalaban, hindi natin alam kung sino sa mga nakakasalamuha ang meron nito.


Sa kabilang banda, para walang parusa ay ‘wag pasaway. May ibang paraan naman para kumita nang sumusunod pa rin sa mga babala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.