top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Color Manila Virtual Run United As One sa Cyberspace

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 1 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | July 10, 2020




Ang pinakamakulay at masayang fun run sa lahat ay lilipat muna sa cyberspace sa taong ito sa “Color Manila Virtual Run: United As One”. Batay sa pamagat, hinihimok ng Color Manila na magkaisa ang lahat upang malampasan ang kasalukuyang krisis ng COVID-19.


Kahit may pandemya, mahalaga pa rin ang mag-ehersisyo upang palakasin ng resistensiya ng katawan laban sa mga sakit. Sa nakalipas ng walong taon, iyan ang layunin ng Color Manila na itulak ang lahat na mamuhay ng malusog at manatiling positibo.


Bumisita lamang sa pahina sa Facebook ng Color Manila upang magpalista hanggang Agosto 8 o bago magkaubusan. Maaring tumakbo ng 21k, 10k, lima o tatlong kilometro gamit ang treadmill o kahit anong app sa telepono o relos na may GPS.


Nakatakda ang takbuhan sa Agosto 8 at 9 at ipadala agad ang resulta upang makuha ang mga regalo. Susundan ito ng kauna-unahang Virtual Color Festival sa Agosto 15 na tulad ng tradisyonal na sabuyan ng pulbos sa pagtatapos ng bawat patakbo ng Color Manila.


Tulad ng regular na Color Manila, may kasamang supot ng makulay na pulbos ang bawat race kit kasama sa nakagawian na singlet, lalagyan ng tubig, medalya, e-certificate, bandana at race bib. Maaring pumili ng mas mataas na uri ng race kit upang makakuha ng dagdag na bag, sunglasses at finisher t-shirt.


Karaniwan ay ang Color Manila ang pinakaunang fun run ng taon tuwing unang Linggo ng Enero. Nalipat ito sa Marso bago tuluyang naging isang virtual run.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page