COLLAB VLOG NINA BARBIE AT KIM, TRENDING

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | April 3, 2024

Usap-usapan hanggang ngayon ang dalawang aktres na sina Barbie Forteza at Kim Chiu, dahil sa kanilang pagiging kalog at kuwela sa vlog na pareho nilang in-upload sa kani-kanilang YouTube channel.
Sa vlog ni Kim, nagkaroon sila ng dalawang challenges na "This or That" & "Never Have I Ever," at ang unang ginawa ay ang "This or That" kung saan pipili si Barbie sa mga babanggitin ni Kim.
In the latter part nga ng video, may isang biro si Barbie. Aniya, "Mabilis ako mag-move on. Ikaw ba?" habang tina-tap si Kim. Ang sagot lang ni Kim ay tumawa nang tumawa.
Well, inamin din ni Barbie sa video na nasaktan siya sa mga nagsasabi na break na sila ni Jak Roberto dahil redundant na raw ito at 'di naman totoo.
Sa kabilang banda, ang vlog naman ni Barbie ay more on chika lang about life, love, and other stuff while having a coffee.
Samantala, parehong nakakuha ng positibong komento ang pareho nilang video at patuloy na umaani ng papuri dahil sa kanilang pagiging raw sa vlog. Lumabas talaga ang pagiging makulit nilang dalawa.
Sa ngayon, si Barbie ay nasa Canada kasama sina David Licauco, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ruru Madrid at Bianca Umali para sa kanilang most anticipated Sparkle Goes to Canada Show.





Comments