Coleen, nagsalita na sa hiwalayan daw nila ni Billy
- BULGAR

- May 12, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 12, 2024

Nabigla si Coleen Garcia matapos siyang mag-guest sa YouTube channel ni Luis Manzano na "Luis Listens" dahil dito niya narinig for the first time ang mga tsikang umugong noon na nagkakalabuan na sila ng mister na si Billy Crawford.
Natawa na lang si Coleen sa mga usap-usapan ng madla dahil wala raw instance sa kanilang relasyon matapos silang ikasal na gumawa ng mabigat na kasalanan ang kanyang mister.
Winakasan na rin niya nang tuluyan ang iba't iba pang tsismis na madalas na pinagpipiyestahan ng netizes at nilinaw na maayos ang lagay ng kanilang pagsasama ni Billy kahit na busy sila ngayon sa mga independent endeavors ng bawat isa.
Magkakaroon daw ng mga pagkakataon na hindi sila magkakasama kahit sa anniversary nila pero sacrifices nila ito para sa seguridad ng kanilang future.
Pinatotohanan din ni Luis na mabait at matinong tao ang kanyang kaibigang si Billy.
Humanga naman ang netizens sa galing ni Coleen na sumagot sa bawat tanong na ibinabato sa kanya ni Luis dahil very witty ang approach ng aktres at batid daw sa mga sagot nito na talagang nag-mature na ito sa buhay.








Comments