top of page
Search
  • BULGAR

Coach Tab, sa Blue Eagles pa rin kahit sinibak na asst. sa Katropa

ni VA / Alvin Olivar - @Sports | June 27, 2020




Mananatiling head coach ng Ateneo de Manila men's basketball team si coach Tab Baldwin sa kabila ng pagkakatanggal nito bilang isa sa mga assistant coach ng TNT Katropa.


Noong nakaraang Huwebes ng hapon, kinumpirma ni TNT team manager Gabby Cui ang balitang inalis na sa coaching staff ng TNT si Baldwin.

Subalit, ipinaliwanag nito na ang pagtanggal kay Baldwin ay matagal na nilang ginawa bago pa ipatupad ang quarantine sanhi ng COVID-19 pandemic at walang kinalaman ang mga naging komento nito laban sa PBA partikular sa mga coaches ng liga sa isang video podcast.

Sa kabila naman ng mga nangyari, mananatili pa rin si Baldwin na pinagmulta ng PBA ng P75,000 bilang mentor ng Ateneo Blue Eagles ayon kay Ateneo Athletics director Emmanuel Fernandez.

Maliban sa pagiging head coach pa rin ng Blue Eagles, mananatili rin bilang Samahang Basketbol ng Pilipinas' (SBP) Gilas Pilipinas program director si Baldwin.

“Coach Tab will be focusing on his coaching chores in Ateneo and his role in SBP,” pahayag ni Cui na sya ring Gilas team manager.

Taong 2015 nang dumating ng bansa si Baldwin matapos kunin bilang Gilas head coach.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page