top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Clippers, no. 1 na sa NBA standings, Leonard at Jackson, bumida

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 2, 2021





May bagong numero uno sa buong NBA matapos talunin ng Los Angeles Clippers ang New York Knicks, 129-115, kahapon sa Madison Square Garden. Umarangkada ang Clippers sa second half upang maging unang koponan na makatala ng 16 panalo sa 21 laro.


Saglit nagbanta ang Knicks, 103-105, ngunit sinagot ito ng siyam na sunod-sunod na puntos upang lumayo muli, 114-103, at 5:45 sa orasan. Binuhos ni Kawhi Leonard ang 16 ng kanyang 28 puntos sa second half at sinundan siya ni Reggie Jackson na may 18 puntos.


Nakatulong ang tambak ng Denver Nuggets sa dating numero unong Utah Jazz sa likod ng 47 puntos ni Nikola Jokic at 18 puntos ni Will Barton. Umabot ng 28 ang lamang ng Nuggets (12-8) sa third quarter, 86-58, at naputol sa 11 ang sunod-sunod na tagumpay ng Jazz (15-5) na nagsimula noong Enero 8.


Bumira ng magkasunod na tres sina Bradley Beal at Russell Westbrook sa loob ng huling walong segundo upang maagaw ng Washington Wizards ang tagumpay sa Brooklyn Nets, 149-146. Niluwa ng ring ang malapitang tira ni Timothe Luwawu-Cabarrot at itinakda ni Beal ang huling talaan sa kanyang dalawang free upang magtapos na may 22 ng kanyang 37 puntos sa 4th quarter habang may 41 puntos si Westbrook.


Nanatili sa tuktok ng Eastern Conference ang Philadelphia 76ers matapos talunin ang Indiana Pacers, 119-110. Bumida sa 76ers (15-6) sina Tobias Harris na may 27 puntos at Ben Simmons na may 21 puntos upang matakpan ang hindi paglaro ni Joel Embiid dahil sa masakit na likod.


Ginulat ng Minnesota Timberwolves ang Cleveland Cavaliers, 109-104, sa likod nina numero unong rookie Anthony Edwards at Malik Beasley na parehong nagsumite ng 23 puntos. Lumapit ang Cavaliers (9-11) ng 3 puntos, 104-107, subalit ipinasok ni Ricky Rubio ang dalawang free throw para umangat ang Timberwolves sa 5-14 subalit nasa pinakailalim pa rin ng Western Conference.


Sumama ang Toronto Raptors sa parada ng mga panalo at inalisan ng kinang ang Orlando Magic, 115-102. Namuno sa Raptors (8-12) sina Pascal Siakam na may 30 puntos at Kyle Lowry na may 12 puntos habang tig-12 puntos din sina Terence Davis at Deandre Bembry.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page