ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 26, 2024
Dear Maestro,
Overseas Filipino Workers (OFW) ang trabaho namin dati ng mister ko. Maestro, ano bang negosyo at paninda ang maaari naming ilako para magkaroon naman kami ng pagkakakitaan habang hindi pa kami nakakapangibang-bansa? Unti-unti na rin kasing nauubos ang savings namin ngayon. Ang panghuli kong tanong, may pag-asa pa kaya kaming yumaman? Ang birthday ko ay December 8, 1986 habang May 17, 1984 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,Zen ng Lawak, Tayug, Pangasinan
Dear Zen,
Alam mo ba na kapag mataba ang hugis ng pangangatawan ng isang tao, mas madali silang yumaman kung ikukumpara sa mga taong payat?
Base sa picture na binigay mo sa iyong e-mail, kapansin-pansin sa porma ng iyong pangangatawan na may pagka-chubby ka.
Ang isa pang ikinaganda nito, sinasabi rin na kapag tumataba ang isang tao, unti-unti at dahan-dahan ding tumataba ang laman ng kanyang bulsa.
Sinasabi ring dalawa ang direct, pero unconscious na daluyan ng libido o energy ng matataba. Una, direktang nairaraos ito sa pakikipagtalik. Pangalawa, naiko-convert o naililipat ang enerhiya sa gawaing may kaugnayan sa pagnenegosyo o pagpapayaman.
Kaya naman kadalasan, mas nakakakita ka ng indibidwal na mayaman na may matataba o chubby ang pangangatawan.
Kaya kapag mataba ang isang tao, lalo na kung siya ay babae, ganundin sa isang lalaki, at nagawa niyang magnegosyo o magtinda ng karne at iba pang produktong nanggagaling sa laman ng hayop, puwede rin namang groceries at iba pang basic needs ng tao, tiyak ang magaganap – basta’t kumilos siya nang kumilos, ‘yun bang gigising ng madaling-araw, matutulog nang maaga at bago matulog ay magbibilang muna ng salaping napagbentahan.
At kapag lagi siyang ganito, kumbaga, isa lang ang iniisip sa buhay tulad ng maagang paggising at pagbebenta, isinilang sila para magtinda at magbilang ng napagbentahan.
Sa bandang huli, hindi nila napapansin na umuunlad na pala ang kanilang negosyo.
Ayon sa inyong birth date, magandang subukan ang mga numerong 1, 7, 13, 26,
Comentarios