top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Christmas party kahit puwede na, ‘wag makalimot sa COVID

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2021
1 min read

@Editorial | December 04, 2021



Pinapayagan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Christmas parties at iba pang pagtitipon sa panahon ng Pasko.


Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na maaari ang Christmas parties sa mga lugar na nasa Alert Level 2. Gayunman, kailangang sumunod sa alert level regulations.


Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang 50-percent venue capacity para sa mga pagtitipon.


Kung gagawin ang party sa mga establisimyento, puwede silang dagdagan pa ng 10% capacity kung may safety seal. Kaakibat ng kondisyong ito ay ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng facemask at pag-obserba sa social distancing.


Babala sa mga establisimyento na hindi makasusunod sa mga patakaran, maaaring mabawian ng safety seal at masuspinde ang business permit.


Ang paalala naman sa mga magpa-party, utang na loob, ‘wag makalimot na may COVID-19 pa rin. ‘Wag nating hayaang maging ‘super spreader event’ ang mga gaganaping party.


Gugustuhin ba natin ang ‘party now, COVID later’?


Masasayang ang lahat ng sakripisyo, pagbubuwis-buhay at pag-iingat na ating ginawa sa mahabang panahon.


Mainam na bantayan natin ang isa’t isa, kung may nakikitang nagpapasaway o nakakalimot, walang masama kung paaalalahanan. Hindi lang ito para sa kanya o sa ‘yo kundi para sa lahat ng mga kasama sa party.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page