by Info @News | June 1, 2024
Walang magagawa ang China para pigilan ang pagpasa at pagpapatupad ng
Senate Bill No. 2942 o ang Philippine Maritime Zones Act.
Ito ang tahasang sinabi ni Senador Tol Tolentino, pangunahing sponsor ng panukalang batas sa Senado bilang reaksyon sa protesta ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning.
“Malayang bansa ang Pilipinas at hindi probinsya ng China. Kahit anong protesta ang gawin nila, papasa ang batas na ito na nagtatakda ng mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea,” ani Tolentino.
Kasama sa panukalang batas ang 2016 Arbitral Ruling na nagdedeklarang mali ang pag-angkin ng China sa mga teritoryo sa West Philippine gamit ang nine-dash-line nito.
Lilinawin ng batas ang maritime zones ng Pilipinas, pati ang sea lanes, air routes at natural resources na sakop ng exclusive economic zones ng bansa.
Комментарии