top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Child labor sa ‘Pinas, lumala sa pandemya

BULGAR
Jun 21, 2022
1 min read

@Editorial | June 21, 2022


Sa sitwasyon ngayon, masasabing mahirap talaga ‘pag isa lang ang naghahanapbuhay sa pamilya.


Kailangang magtulungan at pare-parehong mag-ambag, kung hindi man sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera ay kahit sa pagtitipid man lang.


Gayunman, hindi maitatangging may mga miyembro ng mag-anak ang pinipilit na kumita nang hindi na makatarungan, tulad ng mga batang anak.


Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasagip nila sa mga mapanganib na trabaho ang higit sa 90,000 child laborers sa bansa. Mayroon na rin umanong database para mas maging mabilis ang mga hakbang para matulungan ang mga batang manggagawa.


Bahagi ito ng Philippine Development Plan 2017-2022 na layong mabawasan ang child labor cases ng hanggang 30%.


Base sa huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 597,000 batang Pilipino ang nagtatrabaho, karamihan sa kanila ay sa sektor ng agrikultura.


Tumaas naman ng 264% ang Online Sex Abuse and Exploitation in Children (OSAEC) sa bansa sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19, bagay na nakapanlulumo. Kung kailan nasa loob lang ng bahay ang mga anak saka naman sila naging lantad sa panganib.


Anumang anyo ng pang-aabuso sa kabataan ay hindi dapat nangyayari. Palagi sana natin silang ingatan.


Alam ng kinauukulan ang mga paraan para mapigilan ang pagdami ng child laborer, bilang mamamayan at magulang, responsibilidad nating malaman din ito, gawin at patuloy na makiisa alang-alang sa ating mga anak at pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page