top of page
Search
  • BULGAR

Cell sites sa liblib na mga lugar, unahin

ni BRT | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Kapwa umapela sina Ang Probinsyano Partylist Rep Ronnie Ong at Rizal Rep. Fidel Nograles sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na paspasan ang paglalagay ng cell sites sa mga liblib na lugar na hanggang ngayon ay wala pa ring internet connectivity sa harap na rin ng bagong sistema na online learning at work from home sa panahon ng pandemic.


Bukod sa Build, Build, Build Program ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapatayo ng mga tulay at mga kalsada ay dapat umanong mamuhunan at tutukan din ang communication infrastructure.


Ayon naman kay Nograles, maaaring pondohan ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga cellular tower na maaaring ipaupa naman sa mga telecom companies, sa ganitong paraan umano ay mapapabilis ang paglalagay ng mga kinakailangang cell sites na agad nang mapakikinabangan ng publiko.


Aminado naman ang mga telecom companies na isa sa balakid kung bakit natatagalan ang paglalagay ng mga cellular tower ay dahil na rin sa 25 iba’t ibang permits na kailangang isumite na karaniwang inaabot ng 8 buwan pataas bago makumpleto. Bukod pa umano rito ang iba pang requirements na itinatakda ng ilang local government units, exclusive subdivisions at Housing and Land Use Regulatory Board.


Samantala aminado naman ang DICT na ang maraming requirements ang nagpapabagal sa pagpapatayo ng cell sites kaya naman plano nilang bawasan ng 50% ang “redundant or duplicitous permitting” sa konstruksiyon ng telco towers.


Ani DICT Assistant Sec. Emmanuel Caintic, nakikipag-ugnayan na sila sa Anti-Red Tape Authority at iba pang government agencies para ma-streamlined ang permitting requirements at procedures.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page