top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Cedula, gastos lang, dapat na raw ‘punitin’

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2021
1 min read

@Editorial | January 28, 2021



Inihihirit ngayon ang panukalang itigil na ang paggamit sa Community Tax Certificate o cedula.

Sa House Bill 8455 o Government Services Modernization Bill, nakasaad na panahon na upang i-phase out ang cedula.


Hindi umano sapat na identification ang cedula bukod pa sa hindi rin daw ito epektibong paraan para sa local government collection, at “redundant” sa maraming pagkakataon o transaksiyon, sa madaling salita, gastos lang.


Kaya panahon na raw para ‘punitin’ ang cedula bilang isang government requirement.


Matatandaang naging isyu na ito sa nagdaang pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na umano’y gumagastos lang ang gobyerno sa pag-imprenta pero wala raw bumabalik at tila lokal na pamahalaan lang ang kumikita. Hindi rin naman lahat ng kumukuha ng cedula ay tapat sa idinedeklara nilang kita. Bukod pa sa napakadali ring i-fake at pagkakitaan.


Hindi tuloy maiwasang maisip na ang kapirasong papel ay maaaring pagmulan ng korupsiyon.


Kaya nagiging katawa-tawa na ang gobyerno sa pag-iisyu ng tila wala nang silbing cedula.


Bagama’t malaki ang pakinabang ng lokal na pamahalaan sa koleksiyon sa cedula kung saan, may bahagi nito ang napupunta sa barangay, maaaring mas makatitipid naman ang kabuuan ng gobyerno at maiiwasan pa ang korupsiyon kung aalisin na ito at lalo na kung magkakaroon naman na ng National ID na inaasahang magiging mas epektibo.


Sadyang may mga sistema na kailangan nang baguhin dahil posibleng itong mga nakagawiang bagay o proseso ay nagiging sanhi pa ng problema.


Kaya huwag tayong mag-alinlangan sa pagbabago lalo na kung ang layunin nito ay mas mapabuti ang ating pamumuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page