Cebu City, isinailalim na sa GCQ
- BULGAR

- Jul 31, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | July 31, 2020

Inianunsiyo ni Pangulong Duterte na mananatili sa GCQ ang Metro Manila simula Agosto 1 hanggang Agosto 15, kahit dumarami ang apektado ng COVID-19 sa lugar.
Samantala, isinailalim na rin ang Cebu City sa GCQ kapareho sa itinakdang araw sa Metro Manila.
Ang ilang lugar ay isinailalim na rin sa GCQ katulad ng Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion sa Visayas at Zamboanga City sa Mindanao.
At ang mga ilang lugar na hindi nabanggit ay isinailalim din sa GCQ ayon kay Pangulong Duterte.
Saad ni Spoke Person Roque, “President Rodrigo Roa Duterte, in his Talk to the People Address on July 31, placed Cebu City under general community quarantine (GCQ) starting August 1".
Ayon sa tala ng DOH 8,136 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu, 342 ang namatay at 6,740 ang gumaling.





Comments