CCS 3rd place ng q'finals, Hitters pinatalsik Titans
- BULGAR
- Aug 23, 2024
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | August 23, 2024

Mga laro sa Sabado (FilOil EcoOil Centre) 4 n.h.
Cignal vs (ranked 7) 6 n.g.
Akari vs. Farm Fresh
Sinisiguro ng Creamline Cool Smashers ang ikatlong puwesto sa quarterfinals sa pagdispatsa sa kulelat at walang panalo na ZUS Coffee Thunderbelles sa bisa ng straight set sa 25-17, 25-15, 25-22 panalo kahapon, habang pinatalsik ng PLDT High Speed Hitters ang Choco Mucho Flying Titans sa 21-25, 25-18, kahapon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Ipinakita ng Cool Smashers ang kanilang bagsik sa pagpapalabas ng kanilang malalim na puwersa at matayog na karanasan para tapusin lamang ang laro sa loob ng 77 minuto patungo sa quarterfinals na may tangan na 6-2 baraha na paghahandaan ang laban kontra sa Capital1 Solar Spikers (5-3). Nakuha ng PLDT ang kaparehong panalo para tumabla sa Creamline, subalit mas nakakataas ang kabuuang puntos na nalikom ng 8th-time league champion sa 20 puntos.
“We’re ready, sa lahat ng challenges na mangyayari. Ang importante lang talaga is yung determination namin na manalo,” pahayag ni Creamline coach Sherwin Meneses. “Lalo na knockout game, so, trust lang namin sa isa’t isa.” Bumida para sa Creamline si Erica Staunton na may 17 puntos, habang sumegunda si Bernadeth Pons sa 11 puntos upang maging pangunahing manlalaro na lokal sa kawalan nina Tots Carlos at Alyssa Valdez dulot ng injuries at paglalaro sa Alas Pilipinas national team nina Jema Galanza at Jia de Guzman.
Naging sandalan din sina middle blockers Lyn Bernardo at Bea De Leon na 8 at 4 na puntos, ayon sa pagkakasunod, habang idiniin ng Creamline ang atake sa 43 kontra 29 ng Thunderbelles. “Malaking bagay ‘to kasi matagal ko na rin hinihintay 'yung opportunity to play longer minutes,” saad ni Bernardo.








Comments