top of page
Search
  • BULGAR

Casimero, wagi sa 3rd knockout kay Micah, hinamon na uli si Inoue

ni Gerard Arce - @Sports | September 28, 2020



Malinaw na malinaw ang mensaheng ipinarating ni Johnriel “Quadro Alas” Casimero sa lahat ng mga magnanais na labanan siya sa bantamweight division, higit na kay unified champion Naoya “Monster” Inoue ng Japan na dapat sana’y makakalaban ng Filipino boxer ngayon taon.

Kasunod ito ng magandang pagbubunga ng matagal na paghihintay ni Casimero para sa isang laban matapos matagumpay na ipagtanggol ang kanyang World Boxing Organization (WBO) 118-pound title sa impresibong panalo nang gulpihin nito si Duke “The Baby-Faced Terminator” Micah ng Ghana para sa 3rd round technical knockout, Sabado ng gabi sa Mohegan Sun sa Uncasville, Connecticut.

I’m the real monster. Naoya Inoue is scared of me. You’re next. I would have knocked out anyone today. If Inoue doesn’t fight me, then I’ll fight Guillermo Rigondeaux, Luis Nery, or any of the top fighters,” pahayag ni Casimero matapos ang laban.

Hindi na hinayaan pa ni referee Steve Willis na makaranas pa ng sobrang paghihirap ang Ghanaian boxer ng kusa na itong itigil ang laban sa nalalabang .54 segundo ng ikatlong round para sa ika-anim na sunod na panalo ng Filipino boxer na nagmula rin lahat sa knockout victory.

Tinapos ng three-division world champion ang undefeated winning streak ng Ghanaian na si Micah (24-1, 19KOs) na unang beses lumaban sa World title fight matapos ang limang laban sa Estados Unidos.

I worked hard and got the win tonight. In the first round I saw the body shot hurt him and thought I could get him out right away, but he’s a good boxer who was undefeated for a reason,” wika ng 30-anyos na Ormoc City-native.

Nagtagumpay sa kanyang plano ang flyweight at junior flyweight titlist na patumbahin ang 29-anyos na Brooklyn-based boxer sa second round mula sa magkakasunod na kumbinasyon sa mukha at malupit na kaliwang hook, subalit nagawa nitong makaligtas sa naturang round.

Bago magsimula ang ikatlong round ay tinignan pa ito ng doctor kung kaya pang lumaban. Sa kasagsagan ng third round ay muling bumato ng mga malulutong na suntok sa katawan at mukha si Casimero, na paminsan-minsan ay tinatamaan rin ng suntok ni Micah, ngunit ‘di nito iniinda ang mga binabato ng Ghanaian.

Malulutong na kambal na upper cut mula sa kaliwa’t kanan ang nagbigay ng senyales kay Willis para tapusin na ang laban kasunod ng sankaterbang opensa ni Casimero laban sa dating 2012 London Olympics campaigner.

The second round the uppercut hurt him, but Duke Micah works hard, he’s strong and has a good chin. I knew I was facing a good fighter, so I didn’t expect to knock him out so fast. He’s strong so I was prepared to go all 12 rounds,” saad ni Casimero na kumana ng impresibong 52% na power shots si Casimero, ayon sa CompuBox, kaantabay ang 59 sa 26 lamang ni Micah.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page