top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Casimero, muling kakasa vs. 'John Doe' sa Set. 26

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 18, 2020



Matapos ang matagal na paghihintay ay naisama ang pangalan ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel “Quadro Alas” Casimero sa mga lalaban sa Setyembre 26 upang itaya ang kanyang titulo laban sa hindi pa pinapangalanang katunggali sa Mohegum Sun. Uncasville, Connecticut sa Estados Unidos.


Ayon sa boxingscene.com, inanunsyo ng Showtime at Premier Boxing Champions (PBC) na magiging tampok ang laban ng 30-anyos na Ormoc City-native bilang parte ng undercard match ng kambal na sina Jermall (30-0, 22 KOs) at Jermell Charlo (33-1, 17 KOs) na idedepensa ang kanilang mga titulo na World Boxing Council (WBC) middleweight title kay Sergiy Derevyanchenko (13-2, 10 KOs) ng Ukraine, habang unification battle naman kay Jeison Rosario (20-1-1, 14 KOs) ng Dominican Republic para sa unified WBC at IBF, IBO at WBA super-welterweight title, ayon sa pagkakasunod.


Pebrero pa lamang ngayong taon ay nasa Estados Unidos na ang Filipino three-division world titlist upang paghandaan ang unification fight nito laban kay World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) 118-lbs champion Naoya Inoue ng Japan.


Ngunit tila nag-iba na ang ihip ng hangin para kay Top Rank CEO Bob Arum hinggil sa magiging kalalabasan ng bakbakan nina Casimero (29-4, 20KOs) at Inoue (19-0, 16KOs) dahil sa usapang pinansyal at pagkaka-ipit nito ng matagal sa kanyang bansa dahil umano sa kawalan ng visa.


Sapul nang ikansela ang kanilang nakatakdang laban noong Abril 25 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada bunsod ng coronavirus pandemic, matagal nanatili sa naturang lugar si Casimero dahil sa mga restriksyon sa pagbiyahe.


Nito lamang buwan ay inuulat ni Mike Coppinger sa kanyang twitter account na planong ipares ng Top Rank ang Japanese slugger kay Australian fighter at WBA Oceania 118-lb titlist Jason Moloney.


Naoya Inoue and Jason Moloney are engaged in advanced talks toward a 118-pound championship fight, Top Rank VP Carl Moretti tells The Athletic. No agreement yet but negotiations are progressing, and it appears likely a deal will be finalized for an ESPN/ESPN+ bout.”


Dahil sa hakbang na ito ay naiwang walang kalaban ang Filipino fighter, kung kaya’t nanuntya si MP Promotions and international matchmaker Sean Gibbons sa kanyang social media account kontra sa 88-anyos na si Arum at 27-anyos na si Inoue.


Dahil sa pangyayaring ito ay inihayag ni Gibbons sa isang website na maghahanap sila ng ibang itatapat sa Filipino bantamweight champion na kinabibilangan nina bantamweight title contender Rau’shee Warren 17-3 (4), dating WBC light-flyweight champ Pedro Guevara (36-3-1) ng Mexico. Maaari ring itapat kay Casimero si WBO Africa bantamweight champ at undefeated Duke Micah (24-0, 19KOs) ng Ghana na lumaban sa 2012 Summer Olympics sa men’s flyweight.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page