Carousel at yumaong tita, pahiwatig na magkakaroon ng magandang future
- BULGAR

- Oct 17, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 17, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Maribel na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na maraming tao na nasa kalawakan at nakasakay sa malaking carousel tulad ng nasa amusement park at ang ganda nito, tapos lahat sila ay puting-puti ang mga damit at maliwanag din ang kalangitan?
Pangalawa, masaya kaming nagkukuwentuhan ng tita ko, pero tatlong taon na siyang pumanaw at super-close kami nang nabubuhay pa siya at kapag may problema ako, lagi ko siyang napapanaginipan. Maraming salamat. Keep safe and God bless!
Naghihintay,
Maribel
Sa iyo, Maribel,
Ang panaginip mo ay nagbabalita na magkakaroon ka ng pagkaganda-gandang future. Ito ang gustong ipahiwatig ng panaginip mo na carousel tulad ng nasa amusement park.
Kaya panatilihin mo ang iyong magagandang katangian at ang pagiging positibo ay lagi mo ring isabuhay. Ang pagmamahal sa kinikilala mong Diyos ay palagi mong yakapin.
Ang pagmamahal sa kapwa na likas sa iyo ay lagi mo ring isabuhay. Ang pagtulong sa hindi kakilala o pagpapasaya sa hindi mo kaano-ano, paminsan-minsan ay gawin mo.
Dahil sa lahat ng ito, palagi kang kakalingain ng langit na ang ibig sabihin, ang maliliit at ang malalaking request mo ay bibigyan ng katuparan.
Muli, huwag mong bibitawan ang iyong faith o paniniwala sa nasa itaas.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments