CARLOS AT CHLOE, MEGA-SHOPPING, MAY PATUTSADA KAY ANGELICA YULO
- BULGAR

- Sep 10, 2024
- 3 min read
ni Lucille Galon @Special Article | September 10, 2024

Kung dati ay simpatya ang nakukuha ni Mr. Mark Andrew Yulo, inuulan ngayon ng batikos ang ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa hindi magandang komento nito tungkol sa anak.
Trending ang video na kuha sa Facebook (FB) Live nito kasama ang mga kaibigan dahil may netizen na nagkomento na “ginagatasan” diumano ng pamilya Yulo si Carlos, at agad nga itong sinagot ni Mr. Mark Andrew Yulo.
“Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha n'ya ang sem*lya ko, tapos ginanyan na n'ya kami,” kaswal na sabi nito, bagama't ramdam mo pa rin ang sama ng loob sa anak.
Umani ito ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizens na sumusubaybay sa drama ng pamilya Yulo.
Sey ng mga netizens: “Toxic ng mga magulang, grabe na siguro ang trauma ni Caloy.”
“Eh, di wow! Lalong ‘di na magkakaayos kapag ganyan.”
“Toxicity everywhere.”
“Sana manahimik na lang ‘yung GF (Chloe) at buong family.”
“Dati sa magulang ako naaawa, ngayon, parang kay Caloy na.”
“Medyo attention seeker na ang pamilya n’ya.”
Well, kung pupuntahan nga kasi ang Facebook (FB) account ng tatay ni Carlos Yulo ay makikitang halos araw-araw na itong nagla-live ngayon na hindi naman nito ginagawa noon.
Mapapanood sa mga FB live niya ang mga personal niyang kaganapan sa buhay at ng kanyang pamilya, kabilang na rin ang pagsuporta niya sa pagte-training ng gymnastics ni Eldrew na batang kapatid ni Carlos.
Mukhang ine-enjoy talaga ni Mr. Yulo ang pagla-live lalo't may mga nagbibigay dito ng 'stars' na convertible sa cash na siya raw ginagamit nito sa mga feeding program sa kanilang lugar.
Samantala, bukod sa pagsagot sa isyung 'ginagatasan' umano niya ang anak na si Carlos, may patutsada rin si Mark Andrew sa anak at sa girlfriend nitong si Chloe tungkol sa "karma".
Sa naturang FB Live pa rin, may mga hirit si Mr. Yulo na okay lang daw kahit dinededma na sila ngayon ni Carlos, ganu'n daw talaga ang pamilya na nagkakaroon minsan ng problema.
Pahayag ni Mr. Mark Andrew para kay Carlos at sa GF nitong "Goldie" kung tawagin ng kanilang pamilya, “Ano sila, eh, nasa alapaap, eh. Hindi pa nila alam 'yung mga mangyayaring karma," sabay dugtong ng "Joke lang!”
Samantala, tila may bagong patutsada ang magdyowang Carlos at Chloe sa pamilya ng atleta dahil may bagong post ang content creator na nag-shopping sila ng BF at makikitang nakasakay sila sa isang kotse hawak ang mga paper bags ng mga pinamili.
Caption ni Chloe sa kanyang FB Story, “Di aaray for today’s shopping spree, siguro meron portion lang.”
Naisip ng mga netizens na parinig ito partikular na sa nanay ni Carlos na si Angelica Yulo dahil ang phrase na "Siguro meron portion lang" ay katulad ng sinabi ni Mrs. Yulo sa isang interview na “Wala kaming ginalaw na pera n’ya. Siguro merong portion, na hindi man lang, sabihin mong aaray ‘yung bulsa n’ya,” nang matanong tungkol sa isyung kinuha raw niya ang pera ni Carlos nang walang paalam.
'Kaloka! Matapos isumpa ng kanyang magulang si Carlos Yulo at sabihang kakarmahin, babalik pa kaya ito?
Well, abangan na lang din natin kung sasagutin kaya ni Chloe at dedepensahan uli si Caloy sa bagong pahayag ng tatay ng BF.
Bukas din ang BULGAR para sa panig ng bawat isa.




Comments