top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Cargo Jet sa China, nasunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 23, 2020




Nasunog ang isang cargo jet sa Shanghai airport ngayong Miyerkules at walang naiulat na namatay, ayon sa report.


Ayon sa Shanghai fire department, 18 fire truck ang pumunta sa Pudong International

Airport sa Shanghai at nasugpo nito ang sunong bandang 5:00 ng hapon.


Sa kuha na inilabas sa website ng The Beijing News newspaper, kita ang napakaitim na

usok na nagmumula sa rear section ng Ethiopian Airline Boeing 777 cargo plane.


Hindi pa sinasabi kung anong dahilan ng sunog na naging dahilan kung bakit nare-route

ang ibang flight sa pangalawang airport ng Hongqiao, Shanghai.


Ayon naman sa Ethiopian Airlines, nasunog ang bahagi ng eroplano matapos itong

magpasok ng cargo bago pa sa scheduled flight mula Shanghai papuntang Sao Paulo, Brazil at Santiago Chile.


Ibinahagi rin nito na wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa

insidente.


Pinahinto ng China ang pagpasok ng mga foreigner sa kanilang bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Ngunit, patuloy pa rin sa kanilang bansa ang negosyo at trading na siyang source ng buong mundo pagdating sa personal protective equipment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page