top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Career at mga taong compatible sa taong nueve

BULGAR
Mar 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 20, 2022



Dear Maestro,


Sa kasalukuyan ay kumukuha ako ng kursong HRM at gusto kong malaman kung ano’ng kapalaran ang mangyayari sa akin sa kinabukasan, tugma ba sa akin ang kursong ito at sino ang mapapangasawa ko? Wala pa akong boyfriend, pero may mga manliligaw naman ako.


Kung sakaling makatapos ako ng pag-aaral, madali ba akong magkakaroon ng regular at magandang trabaho? Gusto ko ring malaman ang aking masuwerteng taon, buwan at kulay.


December 18, 2002 ang aking birthday.


Umaasa,

Pam ng San Juan, Cainta, Rizal


Dear Pam,


Tugma sa iyo ang kursong HRM o mga gawaing may kaugnayan sa pagkain, sa pag-e-entertain ng mga bisita at pag-aayos ng kung anu-ano’ng dekorasyon at burloloy sa isang hotel o restoran kung sakaling makatapos ka na ng pag-aaral. Bukod sa nasabing kurso, puwede mo ring palawakin pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha ng iba pang kurso na may kaugnayan sa course mo tulad ng nutritionist at culinary art.


Basta sa mga ganyang larangan ka aasenso, puwede ka ring makapag-abroad o makapagtrabaho sa gobyerno, gayundin sa malaki at pribadong kumpanya na may kaugnayan sa pagkain.


Sa madaling salita, walang magiging problema sa iyong career at sa napili mong gawain o propesyon dahil siguradong magtatagumpay at magiging maligaya ka.


Samantala, hinggil naman sa pakikipagrelasyon, ka-compatible ng zodiac sign mong Sagittarius silang mga isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini, kapwa mo Sagittarius at silang mga isinilang sa buwan ng Mayo, sa kahit anong zodiac sign, higit lalo silang may mga birth date na 5, 14, 23, 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.


Kailangang pumatak sa nasabing mga zodiac sign, birth month at birth date ang iyong mapapangasawa upang magkaroon ka ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Mapalad ka naman sa mga kulay na pula, asul, violet at iba pang kauring kulay, gayundin sa buwan ng Marso hanggang Abril, Hulyo hanggang Agosto at mula Oktubre hanggang Disyembre.


Magsisilbing significant at favorable years mo naman upang tuloy-tuloy nang matupad ang iyong mga pangarap ang mga taong 2023, 2024 at 2025. Sa panahong ‘yun, tulad ng nasabi na, ru’n ka na magkakaroon ng regular na trabaho, makapag-aasawa at makapagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page