Career at love life ng taong singko, gaganda sa 2021
- BULGAR

- Dec 18, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 18, 2020
Dear Maestro,
Wala pa akong boyfriend dahil may pinag-aaral pa akong kapatid, pero malapit na siyang makapagtapos at sabi ng mama ko, kapag nakatapos na siya, puwede na akong mag-boyfriend at mag-asawa para maayos ko naman ang aking future.
Kaya lang, ang problema, madalang na ang mga nanliligaw sa akin nang seryoso, hindi tulad dati na marami talaga akong manliligaw. Makapag-aasawa pa ba ako at kung sinu-sino ang mga lalaking ka-compatible ko na dapat kong mapangasawa upang magkaroon din ako ng masaya at panghabambuhay na pamilya?
Pangarap ko ring mag-abroad, may tsansa bang matupad ito kung sakaling maisipan kong mag-apply sa ibang bansa? Gusto ko ring malaman kung ano ang aking mapalad na petsa, araw at buwan? December 14, 1985 ang birthday ko.
Umaasa,
Kat ng Karuhatan, Valenzuela City
Dear Kat,
Ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ay nagsasabi na dalawang bagay ang posibleng mangyari sa iyong kapalaran: Una, ang makapag-asawa ka ng mayaman, hanggang sa tuluyan ka na ring yumaman. Pangalawa, ang makapag-abroad ka at sa iba’t ibang bansa, kikita ka ng malaking halaga hanggang sa tuluyan ka na roong manirahan at maging immigrant.
Kaya kung ngayon ay may nanliligaw sa iyong lalaking mayaman o may kaya sa buhay, kahit hindi mo siya gaanong gusto, partikular sa kung ang lalaking ito ay may birth date nya ay 3, 21, 30, 7, 16, 25, 5, 14, 23, 9, 18 at 27, tiyak ang magaganap, siya ang posible mong mapangasawa at sa bandang huli, siya na rin ang makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Kung walang ganoong nanliligaw sa iyo ngayon, posibleng ang magaganap sa 2021 o 2022 ay ang makapangibang-bansa ka. Tulad ng nasabi na, sa ibang bansa ka makasusumpong ng masagana at mabungang hanapbuhay, upang sa bandang huli, tulad ng naipaliwanag na, sa pagyaman pa rin hahantong ang iyong karanasan at maaari ngang sa Canada, New Zealand o ibang bansa ka na rin tuluyang manirahan.
Mapalad ka naman sa kulay na powder blue, silver, dilaw at pula, higit lalo sa petsang 5, 14, 23, 3,12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, partikular sa araw ng Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa buwan ng Abril hanggang Mayo, Oktubre hanggang Disyembre.
Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, nakatakda na ang magaganap —sa susunod na taong 2021 hanggang 2022, magsisimula nang dumating sa buhay mo ang magangandang kapalaran. Sa nasabing panahon sa edad mong 36 pataas, magiging maligaya ka na sa larangan ng career at pag-ibig hanggang sa tuluyang matupad ang lahat ng layunin at pangarap mo sa buhay, lalo na ang makapag-abroad at ang makapanirahan sa ibang bansa.




Comments